Thursday, December 25, 2008

Mga Gustong Sariwain at Mga Gustong Gawin

Mga Gustong Sariwain:

1. Nami-miss ko yung mga panahon na nakikipagdaldalan ako sa kaniya. Siya ang nag-iinitiate ng conversation namin noon. Hindi kalaunan, ako naman ang nag-uumpisa ng aming pag-uusap. Hanggang sa dumating ang panahon (ngayon) na hindi na kami nag-uusap. Mga ilang taon na rin ang nakakaraan, at nami-miss ko na siya. Kung hindi lang nangyari ang mga pangyayari na iyon...

2. May bago akong contact sa Multiply, at na-realize ko na contact pala niya ang dati kong contact na b-in-lock ako dahil nagtapat ako ng damdamin sa kaniya [na later ko na-realize as emotional dependence/"fraud" love, ganun din ang na-realize ko sa iba]. Ang labo, no? Dati, todo kulitan kami. Kwento-kwento ng kung anu-ano. Tapos, ayaw pa niya na nagpapa-spoil sa Heroes. Peter [Haru], kung nasaan ka man, sana nababasa mo ito. Sorry, sa kung ano mang kasalanan na ginawa ko sa iyo. Sana mabuo ulit ang pagkakaibigan natin.

Mga Gustong Gawin:

1. Gusto ko sanang batiin ng Maligayang Pasko sila Rondo at Ursula, pero hindi ko naman alam ang relihiyon/paniniwala nila. Ito ang mahirap sa UP, halu-halo na ang mga nakakahalubilo mo. Iba-ibang paniniwala, iba-ibang estilo, iba-ibang pananaw sa buhay. Kaya kanila Rondo at Ursula, Maligayang Pasko sa inyo.

2. Gusto ko nang mag-open up sa mommy ko tungkol sa "estado" ko pero mukhang hindi pa ito ang tamang panahon. Marami pang problema ang hinaharap ng pamilya namin (the typical health and economic problems). Mas maganda sana kasi kung sa kanila ako unang magsasabi, kaso yung mga kaibigan ko pa ang unang nakakaalam sa "estado" ko.

No comments: